Patay ang isang Indian matapos barilin ng hindi nakikilalang lalaki habang naniningil ng pautang sa Taytay, Rizal nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Singh Gurdev sanhi ng isang tama ng bala sa ulo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaagad namang tumakas ang suspek, dala ang ginamit na baril.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, naganap ang insidente sa Old Public Market sa Brgy. San Juan, dakong 7:30 ng umaga.

Sa pahayag ng isang store owner, kasalukuyang naniningil ng pautang ang biktima nang biglang sumulpot ang salarin at binaril ito.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at maaresto ang suspek.