LAGUNA - Patay ang isang 62-anyos na Taiwanese matapos barilin ng riding-in-tandem sa Barangay Del Remedio, San Pablo City nitong Sabado ng umaga.

Sa report ng San Pablo City Police, nakilala ang biktima na si Hsein Chien Chang, taga-nasabing lugar.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dead on arrival sa San Pablo District Hospital ang biktima sanhi ng tama ng bala sa kaliwang pisngi.

Kaagad namang tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Nakatayo lamang si Chang sa harap ng isang restaurant nang dumating ang dalawang suspek, dakong 7:03 ng umaga.

Nilapitan ng isa sa suspek ang biktima at nagpakilalang delivery agent ng liquefied petroleum gas (LPG) bago niya ito binaril.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy at maaresto ang mga suspek.