Very happy si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee dahil nanalo ang kaniyang airplane-inspired national costume sa ginanap na 72nd Miss Universe.

Matatandaang nito lamang Biyernes, Nobyembre 24, na i-announce ng Miss Universe organization na ang Pinay delegate ang nagwagi ng Best National Costume sa patimpalak.

“Truly believe that WE deserve this award (…amongst other things) ❤️‍🔥,” reaksyon naman ni Michelle sa kaniyang Instagram broadcast channel na “Hey, MMDVERSE!”

Michelle Dee, wagi ng 'Best National Costume' sa Miss Universe 2023

“So much hard work was put into this costume! Incredibly happy for my designer @barassimichael too! 🥹.”

“Just proves that we came PREPARED. 🇵🇭❤️‍🔥 #BAYANIHAN,” saad pa niya.

Courtesy: Michelle Dee/IG

Natapos ang journey ng Pinay beauty queen sa ginanap na Miss Universe noong Nobyembre 19, 2023 bilang Top 10 finalist, kung saan inirampa niya ang isang gown na tribute sa legendary Filipina tattoo artist na si Apo Whang-Od.

https://balita.net.ph/2023/11/19/michelle-dee-inihayag-bakit-si-apo-whang-od-inspirasyon-sa-evening-gown/

Pero hindi man nakapasok sa Top 5, very proud pa rin ang maraming Pinoy pageant fans lalo na’t bukod sa “Best National Costume Award,” winner din si Michelle ng tatlo pang special awards: ang “Spirit of Carnival Award,” “Miss Universe’ fan vote,” at ang “Voice for Change Award,” kung saan naka-highlight dito ang kaniyang advocacy para sa autism acceptance at empowerment.

Nakatakda naman nang umuwi ng bansa si Michelle nitong Sabado, Nobyembre 25, kung saan in-announce ng Miss Universe Philippines (MUPH) nitong Biyernes na may magaganap na “grand salubong” para sa kaniya.

https://balita.net.ph/2023/11/24/muph-inanunsyo-ang-grand-salubong-para-kay-michelle-dee/