Naniniwala raw ang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis na kahit "hiwalay" na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang love team, kayang-kaya na raw nilang mag-solo.
Pero nakakaloka ang pagkakabanggit ni Lolit ng "hiwalay" lalo't malakas ang bulung-bulungang hiwalay na raw talaga ang dalawa bilang "KathNiel," as a love team at as a real couple.
"Salve palagay mo ba magiging sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla parin uli? Kasi nga parang itong last na paghihiwalay nila seryoso na at hindi na iyon parang lambingan lang. Mukha pa ngang iba narin ang path na gusto tahakin ni Kathryn dahil iba na mga photos niya na lumalabas."
"Talaga nga siguro gusto ng kumawala ni Kathryn sa loveteam kaya ganuon. Pero kung ako tatanungin mo Salve at Gorgy pareho naman kaya nila ang tumayong mag isa. Puwede sila itambal sa iba at maging matagumpay. Dapat nga hindi na masyado ibenta ang loveteam dahil parang iba narin naman taste ng manunuod."
"Saka mas matibay pag solo ka dahil puwede ka sa lahat. By now mukhang ganuon na ang takbo ng career nila kaya naman wish ng mga fans nila na maging matagumpay parin sila. Puwede naman behind the camera, kayo. Pero pag sa mga lakad na para sa promo ng ginagawang project, solo solo. Mas bonggaš ," aniya.
View this post on Instagram