Si Kapamilya star Kathryn Bernardo daw ang gustong makatrabaho ni Kapuso star Ruru Madrid kung sakali mang bigyan siya ng pagkakataon.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Nobyembre 24, naitanong ni Mama Loi kay Ruru kung sino raw ang gusto nitong makatrabaho sa ABS-CBN.

“Gusto kong makatrabaho si Miss Kathryn Bernardo,” saad ni Ruru.

Nang tanungin naman si Ruru ni showbiz columnist Ogie Diaz kung alam ba nito ang isyung umaaligid kay Kathryn, agad namang umiling ang aktor.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Wala po akong alam,” natatawang sabi ni Ruru, “hindi po kasi ako nagso-social media ngayon.”

Pero bukod kay Kathryn, gusto rin umanong makatrabaho ni Ruru sina Nadine Lustre at Anne Curtis. 

Kung aksyon naman ang pag-uusapan, walang pag-aatubiling pinili ni Ruru ang aktor at direktor ng “FPJ’s Batang Quiapo” na si Coco Martin.

“Kung talagang pagkakalooban kami ng Panginoong Diyos na magkatrabaho ni Sir Coco Martin…Alam naman po natin sa panahon nga ngayon wala na po ‘yung network war,” ani Ruru.

Matatandaang kamakailan lang ay nagkausap sina Ruru at Coco sa isang event at pareho nilang pinuri ang isa’t isa.

MAKI-BALITA: Ruru Madrid nakausap ang makakasalpukang si Coco Martin