Kinaaliwan ng maraming netizen ang first guesting ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda sa 28th anniversary ng Bubble Gang.

Sa video clip na in-upload ng Bubble Gang sa kanilang Facebook page nitong Miyerkules, Nobyembre 22, matutunghayan si Abunda na nakikipagsabayan din sa pagpapatawa kasama sina Buboy Villar, Chariz Solomon, Kokoy de Santos, Edgar Allan de Guzman, at Paolo Contis.

Sa nasabing video, ginawan nila ng parody ang sikat na talk show ni Abunda habang nag-iiwan ng huling habilin ang mateteging ama ng pamilya na ginagampanan ni comedy genius Michael V. o Bitoy.

Umani ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing video mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Very nice”

“good idea”

“napakagaling nnyo!👍👏👏👏😄”

“Whahaha Happy Aniv BBL Gang”

“Hagikhik ang tawa ko uy.. Hahaha bwiset.. 🤣🤣🤣”

“hahahaha super funny!”

“Grabe saluhan ng linya!! Solid talaga idol Michael V.!”

Nauna nang nagbigay ng detalye si Abunda tungkol sa pagiging guest niya sa longest-running comedy show ng GMA Network sa isang episode ng “Fast Talk” noong Nobyembre 16.

“Ito ‘yung isang guesting that I look forward to. I was so excited to do it. I didn’t know what was going to happen, pero sobra ho akong excited gawin ang Bubble Gang," saad ng “Asia’s King of Talk”.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 53k reactions at 940k views ang nasabing video clip.