Ibinahagi ng komedyante-host na si Awra Briguela ang kaniyang birthday greeting para sa kaniyang ama, na aniya, bagama't may mga pagkakataong hindi sila nagkakaunawaan, hindi naman nawala sa kaniyang tabi.

Kalakip ng Instagram post ni Awra ay mga larawan nila together ng kaniyang erpat. Ilan dito ay throwback at old photos, ang ilan naman ay recent lang.

"happy birthday pa, masaya ako para sayo kaya naman goodluck sa bago mong tatahakin," anang Awra.

"salamat sa lahat pa, marami man tayong hindi pag kakaunawaan at madalas hindi tayo nag kakaintindihan salamat kase hindi ka nawala sa tabi ko at hindi mo ko pinabayaan. mahal kita pa at hanggad ko ang kaligayahan mo. 🤍."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

View this post on Instagram

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Matatandaang kamakailan lamang ay nasangkot sa "rambulan" si Awra sa isang bar sa Poblacion, na naging dahilan ng kaniyang pagkakakulong.

Subalit nakalaya rin naman ang komedyante matapos makapagpiyansa.

Ayon sa latest update, kapwa nagsampa ng kaso si Awra at ang nakaalitang lalaki sa bar sa isa't isa.