Sunod-sunod pa ang patutsada ng showbiz columnist na si Cristy Fermin kay Vice Ganda matapos umano siyang paringgan nito sa “It’s Showtime.”

Matatandaang nag-react si Cristy tungkol sa pagpaparinig umano ni Vice. Sa isang segment kasing “Me Choose, Me Choose” ng nasabing noontime show, may isang contestant na ang pangalan ay “Cristy.”

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

“Kumusta ka, Cristy? Anong pinagkakaabalahan mo, Cristy, bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan?” tanong ni Vice.

Maki-Balita: Vice Ganda may patutsada kay ‘Cristy’

“Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda puro patagilid ang kaniyang bira,” saad ng showbiz columnist.

Maki-Balita: Cristy Fermin sa patutsada ni Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’

Ipinaliwanag pa ng showbiz columnist na hindi siya nagsisinungaling tungkol sa naging isyu ni Vice Ganda at partner nitong si Ion Perez na naging sanhi ng pagkasuspinde ng noontime show ng 12 araw.

“Kung ‘yon ay pagsisinungaling bakit kinatigan ang aking pagsisinungaling ng MTRCB at pinatawan kayo ng 12 araw na suspensyon? Bakit ang ating kababayan ay kumalaban din sa ginawa n’yo? Bakit kinasuhan ka rin ng hanay ng mga abogado?” sey ni Cristy.

“Kung ang pagsisinungaling sa’yo ay masama, tama ‘yon. Pero kung ang pagsisinungaling ay pagsasabi ng katotohanan sa interpretasyon ng marami dapat tanggapin mo.

“Ang hirap kasi sa’yo, Vice, mula nang ikaw ay nakatikim ng popularidad, inangkin mo na ang mundo na ikaw na ang gitna, ikaw ang araw at umiikot lang ang lahat ng tao sa show business na parang mga planeta sa iyo. Dapat mong malaman na planeta ka lang din na tulad namin. Hindi ikaw ang araw,” pasaring pa ng showbiz columnist.

Bukod dito, tila nakuwestiyon din ni Cristy ang kasarian ng Kapamilya star.

“Marespeto ko po na binibigyan ng pagkilala ang lahat ng mga miyembro ng LGBTQ+ community. Ang komunidad n’yo po ay aking tinatanggap, ipinagtatangol, at iginagalang,” panimula niya.

“Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka. Lalaki ka Vice Ganda. Nagpapanggap ka lang na babae. Ngayon kapag ika’y bumibiyahe sa isang mahabang-mahabang kalye, tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno, at doon ka ji-jingle [iihi]…”