Grabe sa paghahalungkat ang mga netizen basta patungkol kina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Andrea Brillantes ha!

Hangga't wala kasing nauunang magkumpirma o opisyal na pahayag mula sa ABS-CBN, Star Magic, o handlers nila, hindi titigil ang KathNiel at Andrea fans sa pag-alam kung may katotohanan ba ang umiikot-ikot at ilang linggong pinagmamaritesan ng mga netizen, kung trulalu bang hiwalay na sina DJ at Kathryn, at kung totoo bang may kinalaman dito si Blythe.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Nagatungan pa ito sa mga bali-balita ng pag-unfollowan nina Kathryn at Andrea sa isa't isa, sa kani-kanilang Instagram accounts.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel

Nagkasya na lamang ang mga miron sa pag-throwback ng ilang mga eksena ng tatlo sa remake ng teleseryeng "Pangako Sa 'Yo" noong 2015, kung saan nagkasama-sama sila.

MAKI-BALITA: Magkuyang eksena nina Daniel at Andrea sa ‘Pangako Sa ‘Yo,’ binalikan

Si Kathryn ang gumanap na "Yna Macaspac" at si Daniel naman ang "Angelo Buenavista."

Si Andrea naman ang "Lia Buenavista" na siyang nakababatang kapatid ni Angelo sa kuwento.

Nauna na ngang pinagpiyestahan ang isang "magkuyang eksena" nina Daniel at Andrea sa mismong Facebook page ng "Jeepney TV."

Ang Jeepney TV ay cable channel ng ABS-CBN. Dito ipinalalabas ang panthrowback at old shows nila.

At nakakaloka dahil pati ang eksena nina Kathryn at Andrea kung saan nagbabardagulan sila ay nakalkal na rin ng netizens.

Isang netizen na nagngangalang "Armson Angeles Panesa" ang nag-share nito sa Facebook.

"Kathryn at Andrea nag harapan na. Hindi pala cheating ang issue. Kundi inakusahan na mamamatay tao si Kat ni Andrea. At sinabi na hindi daw sya magsosorry," pabirong caption niya.

Sa eksena ay makikitang inaawat ni Daniel si Andrea matapos sugurin si Kathryn. Umaawat din ang nanay-nanayan ni Kathryn na ginampanan ni Amy Austria-Ventura, at ang tatay nina Daniel at Andrea na si Ian Veneracion.

Nakakaloka ang mga netizen talaga!