Nasa 17 tripulanteng Vietnamese ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG) sa sinasakyang papalubog na barko sa karagatang sakop ng Balabac, Palawan nitong Martes ng gabi.

Sa report ng Coast Guard, patungo na sana sa Cagayan de Oro ang cargo vessel na Viet Hai Star, lulan ang 4,000 tonelada ng bigas mula sa Ho Chi Minh City, Vietnam, nang sumadsad ito 810 yarda na lamang ang layo mula sa Balabac Port nitong Nobyembre 21 ng gabi.

Napansin din ng mga tripulante na nabutas ang kanang bahagi ng barko kaya't nagpasaklolo sila sa PCG at PNP-MG na agad na nagsagawa ng joint search and rescue operation.

Nasagip ang 17 Vietnamese bago pa mapuno ng tubig ang harapang bahagi ng barko daking 9:45 ng gabi ng Nobyembre 21.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi ng PCG na palubog na ang barko nang i-monitor nila ang sitwasyon nito dakong 9:21 ng umaga ng Miyerkules.

Maayos na ang kalagayan ng 17 Vietnamese, ayon sa PCG.

Patuloy pa ring iniimbestigasyon ng PCG ang insidente.