Nagpaabot ng birthday greetings si Yen Santos sa kaniyang sarili nitong Nobyembre 20, sa kaniyang Instagram posts.

May caption ang IG post na "happy birthday" at "birthday behavior 🎂."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

View this post on Instagram

A post shared by YS (@ysantos)

View this post on Instagram

A post shared by YS (@ysantos)

View this post on Instagram

A post shared by YS (@ysantos)

Kapansin-pansing nakasarado ang comment section ng posts subalit may heart reacts naman ito mula sa ilang mga celebrity at followers.

Pero sa comment section ng ilang social media pages na nag-ulat nito ay marami nang naghahanap sa jowa ni Yen na si Paolo Contis.

Abangers na rin sila sa pasabog nito sa birthday ng karelasyon.

Narito ang ilan sa mga kuda at hanash ng netizens:

"Nasan na si Pao? Busy ba kay A? Oooppsss."

"Baka may as a friend ng iba😊😊😊."

"Naku baka may iba na?"

"Siyempre direct message kailangan ba lahat ipapaalam sa socmed?"

"Binati na niya 'yan kayo talaga."

"Para kasing may kakaiba nanaman syang inaaano ehem sa eat bulaga bwahahahahahahahahahahahahaha."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Paolo patungkol dito.