Nag-react si Vice President Sara Duterte sa pahayag ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na mapipilitan itong bumalik sa politika kapag pinatalsik siya sa puwesto.

Sa isang panayam nitong Martes, Nobyembre 21, sinabi ni VP Sara na susuportahan niya ang kaniyang ama kung ano man umano ang maging desisyon nito.

"Kung ano man ‘yung desisyon ni Pangulong Duterte ay buo ang suporta ng pamilya sa kaniya, just like kung ano man ‘yung mga desisyon namin na mga anak regarding sa politika, buo rin ‘yung suporta ng pamilya sa amin," saad ng bise presidente.

Matatandaang sa isang panayam sa “Gikan Sa Masa, Para sa Masa” ng SMNI nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 20, sinabi ng dating pangulo na mapupuwersa siyang tumakbo bilang senador o bise presidente ng bansa kapag pinatalsik sa puwesto si VP Sara.

‘Maski matanda na’ko!’ Duterte, tatakbong senador o VP ‘pag na-impeach si VP Sara

“Alam mo kapag ginawa ninyo ‘yan, babalik ako sa politika. Mapilitan ako. It’s either I run for senator or I will run for vice president maski matanda na ako,” ani Duterte kamakailan.

Ang naturang pahayag ni dating Pangulong Duterte hinggil sa “impeachment” ay matapos inihayag ni Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro noong Nobyembre 16 na mayroon umanong usap-usapan sa pagitan ng ilang mga kongresista hinggil sa posible umanong pagpapatalsik kay VP Sara sa puwesto nito sa pamahalaan.

https://balita.net.ph/2023/11/16/posibleng-impeachment-vs-vp-sara-napag-uusapan-ng-ilang-kongresista-castro/

Samantala, noon ding Nobyembre 16 ay iginiit naman ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe na wala umanong basehan ang kumakalat na sabi-sabi hinggil sa impeachment laban sa bise presidente.

https://balita.net.ph/2023/11/16/planong-impeachment-vs-vp-sara-hindi-totoo-dalipe/

Nito lamang Lunes, Nobyembre 20, ay iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi umano deserve ng bise presidente na ma-impeach.

https://balita.net.ph/2023/11/20/pbbm-kay-vp-sara-she-does-not-deserve-to-be-impeached/