Pinag-usapan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika ang posibilidad na magkatuluyan ang dalawang “Linlang” stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” kamakailan, tinanong ni Cristy si Wendell tungkol sa posibleng maging relasyon nina Paulo at Kim sa totoong buhay.

Kamakailan kasi ay pareho nasasangkot sa isyung hiwalayan sina Paulo at Kim sa kani-kanilang partner.

MAKI-BALITA: Hiwalayang Kim, Xian, lalong umugong dahil kay Vice Ganda

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

MAKI-BALITA: Janine, Paulo, split na?

“Ako naniniwala ako,” sagot ni Wendell sa tanong ni Cristy.

Hindi naman iyon kataka-taka dahil malakas raw kasi talaga ang karisma ni Paulo ayon kay Cristy. 

Batay sa paglalarawan ng showbiz columnist, ito raw ang mga tipo ng lalaki na suplado at mailap pero hindi naman talaga. 

“E, siyempre si Xian hindi siya magugustuhan, daldal niya, ‘no,” iritableng saad ni Cristy.

Matatandaang kamakailan lang ay nainis siya sa nasabing aktor dahil sa maligoy na sagot nito tungkol sa isyung umaaligid sa kaniya.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin kay Xian Lim: ‘Makuda ang lalaking ‘to’