Hindi talaga tinantanan ng mga marites ang "Abot Kamay na Pangarap" star na si Kazel Kinouchi at talagang nag-abang sa kaniyang TikTok live selling para lang urutin kung totoo ba ang mga isyung ibinabato sa kanila ni Kapamilya star Richard Gutierrez.

Kumakalat at pinagpipiyestahan kasi sa social media ang isang video kung saan tila nasa iisang area lamang sina Kazel at Richard kasama ang mga anak nila ni Sarah Lahbati, noong nagkaroon ng Halloween party kamakailan.

Tanong ng mga netizen, bakit daw tila magkasama sila? Kating-kati sa tsismis ang mga netizen dahil nga hanggang ngayon, wala pa ring linaw kung trulalu bang hiwalay na sina Chard at Sarah.

Well, in fairness kay Kazel, mukhang di naman siya pikon sa pagsagot sa live kahit paulit-ulit na siya kaka-explain na wala silang relasyon o anumang ugnayan ni Richard kundi magkapitbahay lang.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Hindi po totoo ‘yon… ang ganda ko naman po… grabe kayo ha… ang haba naman ng hair ko, guys,” sey ni Kazel.

“Thank you for free publicity but sad to say that’s not true, so wala kayong juice na makukuha from me,” natatawang giit pa ni Kazel.

“Kapitbahay lang po namin ‘yon, maawa po kayo sa akin, huwag ninyo akong pagtsismisan.”

Biro pa nga ni Kazel, ang taas daw ng views ng live niya dahil sa mga nakaabang na tsismoso’t tsismosa tungkol sa kanila.

Samantala, wala pang reaksiyon o sey ang kampo naman ni Richard patungkol dito.

MAKI-BALITA: Kazel Kinouchi at Richard Gutierrez iniintriga, inurirat sa socmed

MAKI-BALITA: Kazel Kinouchi sinagot katkaterang netizen tungkol kay Richard Gutierrez

MAKI-BALITA: ‘Ganda ko naman!’ Kazel Kinouchi nagsalita sa ‘relasyon’ kay Richard Gutierrez