Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi umano deserve ni Vice President Sara Duterte na ma-impeach.

Sinabi ito ng pangulo sa isang press conference sa Honolulu, Hawaii nitong Lunes, Nobyembre 20 (Philippine time).

“We don’t want her to be impeached. She does not deserve to be impeached,” ani Marcos.

“So, we will make sure that this is something that we will pay very close attention to,” saad pa niya.

Posibleng impeachment vs VP Sara, napag-uusapan ng ilang kongresista – Castro

Samantala, sinabi rin ng pangulo na “excellent” umano ang relasyon nila ng bise presidente.

Matatandaang inihayag ni Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro noong Huwebes, Nobyembre 16, na mayroon umanong usap-usapan sa pagitan ng ilang mga kongresista hinggil sa posible umanong “impeachment” laban kay Duterte.

Samantala, sa isang pahayag noong ding Nobyembre 16 ay iginiit naman ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe na wala umanong basehan ang kumakalat na sabi-sabi hinggil sa impeachment laban sa bise presidente.

https://balita.net.ph/2023/11/16/planong-impeachment-vs-vp-sara-hindi-totoo-dalipe/