Marami ang nacurious at napatanong na netizens kay Liza Soberano kung sino ang afam na lalaking nagpapaandar ng motorsiklong kinaaangkasan niya habang siya ay nasa Alba, Italy.

Ibinahagi kasi ni Liza sa kaniyang Instagram post ang mga larawan niya habang nakaangkas sa isang motorsiklo.

"Bits and pieces of people and places 🍂," mababasang caption sa IG post ni Liza.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa comment section ay inurot ng mga netizen si Liza kung sino ang lalaki.

Maagap namang nagpaliwanag si Liza at sinabing ang naturang lalaki ay nagtatrabaho sa isang motorcycle rental company kaya huwag sana silang "judger."

Wala raw kasi siyang lisensya para magmaneho, at isa pa, may trauma siya sa pagpapaandar ng motorsiklo dahil sa naranasang aksidente sa Palawan noong 2022.

“Before people jump into conclusions, he’s from the rental company. I couldn’t drive myself cause I had no license. But also ptsd from my accident last year,” aniya.

Natuwa naman ang mga netizen nang maispatang pinusuan ng kaniyang boyfriend na si Kapamilya star Enrique Gil ang kaniyang post, means to say, hindi ito minalisya ng mismong jowa.

Photo courtesy: Screenshot form Liza Soberano (IG)