Kasado na ang face-to-face mass oathtaking para sa bagong registered electrical engineers at master electricians ng bansa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Nobyembre 20.

Sa tala ng PRC, magaganap ang naturang in-person oathtaking sa darating na Biyernes, Nobyembre 24, 2023, dakong 1:00 ng hapon sa JSU-PSU Mariners’ Court-Legaspi Ext., Cebu City.

“All successful examinees interested in attending the face-to-face mass oathtaking shall register no later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” pahayag ng PRC.

“Inductees are required to PRINT the Oath Form with their own generated QR. This will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as ‘attended’,” dagdag pa nito.

Eleksyon

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

Para naman sa mga hindi makakapunta sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o mag-request ng isang special oathtaking.

Iaanunsyo naman umano ang schedule ng online oathtaking kapag naisapinal na ito.

“After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph,” saad ng PRC.