Pinusuan ng mga netizen ang isang digital artwork na viral na sa social media na nagtatampok kina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at Filipino pride na si Apo Whang-Od.

Si Apo Whang-Od, ang huli at pinakamatandang mambabatok o tattoo artist sa Pilipinas, ang naging inspirasyon sa evening gown ni Dee na inilaban niya sa coronation night ng Miss Universe.

Makikita sa Instagram post ni Dee ang dahilan kung bakit ang pinakamatandang mambabatok sa Kalinga ang kaniyang napiling pagpugayan.

MAKI-BALITA: Michelle Dee, inihayag bakit si Apo Whang-Od inspirasyon sa evening gown

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, ginawan naman ng digital artwork ng digital artist na si Gerard Quizon o mas kilala bilang Art of Mak ang dalawang katangi-tanging babae.

"And that is the most beautiful gown I have ever seen as our entry!" aniya sa caption ng Facebook post.

"Congratulations Michelle Dee! Her hardwork and dedication should be celebrated. Very very thoughtful of her to reflect our culture in her elegance and gracefulness. I love the result!!🫡🫡."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 56k reactions, 26k shares, at 340 comments ang nabanggit na digital artwork.

MAKI-BALITA: Kilalanin: Si Apo Whang-Od bilang inspirasyon sa evening gown ni MMD