Inamin ng dating Encantadia sang’gre na si Diana Zubiri kung ilang beses siyang na-reject sa isang reality-based talent competition.

Sa latest vlog kasi ng beteranang aktres na si Snooky Serna nitong Linggo, Nobyembre 20, nabanggit niya ang tungkol dito.

“I heard na ikaw daw ay nag-audition for Star Circle,” sabi ni Snooky.

“Batch 1 to 10,” saad naman ni Diana.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“At rejected ako doon lahat,” dagdag pa niya.

Nagulat naman si Snooky sa rebelasyong ito ni Diana kaya hindi niya napigilang mag-usisa pa: “Totoo ba na parang pinagsasaraduhan ka daw parati ng gate?”

“Kurtina saka gate,” sagot ni Diana.

Saka niya ikinuwento ang masalimuot na karanasan sa pago-audition: “Nakapila kami doon po sa may tapat ng ABS-CBN sa may Esguerra. Ang haba ng pila noon. As in talagang nakatayo kami doon. May tubig lang kami. Isa-isa kang tatawagan para mag-BTR lang. Dadaanan ka lang talaga ng camera. Tapos, minsan ‘di pa ako umaabot. Cut-off na.”

Kaya nang ma-reject umano siya nang sampung beses, tinanggap na raw niya sa sarili na baka hindi talaga siya nakatadhanang maging artista.

Nagdesiyon siyang mag-Japan na lang. Pero buti na lang, nakilala niya si Robbie Tan ng Seiko Films. Kaya nakapasok siya sa showbiz industry.

Matatandaan na bago pa man maging Danaya si Diana sa Encantadia, bumida muna siya sa ilang mga sexy film ng Seiko gaya ng “Itlog”, “Bakat”, “Liberated”, “Kasiping”, “Silip”, at iba pa.