Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 1,210 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa simula Nobyembre 14 hanggang 20.

Sa National Covid-19 case bulletin ng DOH, ang average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw ngayong linggo ay nasa 173.

Ito ay mas mataas ng 7% kung ikukumpara sa mga kaso noong Nobyembre 7 hanggang 13. 

Ayon sa DOH, sa mga bagong kaso, 14 ang may malubha at kritikal na karamdaman. 

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Nakapagtala rin ang ahensya ng siyam na nasawi, kabilang ang apat na naganap noong Nobyembre 7 hanggang 20.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag maging kampante sa banta ng sakit.