Bongga at agaw-pansin ang Christmas costume ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes matapos niyang magmistulang parol na anytime ay puwede nang isabit at gawing palamuti sa bahay!

Ginanap nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 19, ang "Star Magical Christmas" na dinaluhan ng Star Magic stars at ABS-CBN artists.

Isa nga sa mga nakapukaw ng pansin ay si Andrea na may nakaadornong malaking puting parol sa kaniyang likuran.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento ng mga netizen. Anila, sa kabila raw kasi ng mga intrigang ipinupukol sa kaniya ngayon na may kinalaman sa KathNiel, heto't nakuha pa niyang magpakita sa lahat at fresh na fresh na humarap sa publiko.

"Pasok na mga bashers ni Blythe. Unli comment dito. Walang limit. Kaloka!"

"SIMPLEHAN LANG NATIN."

"Ngitngit na naman ang bashers ni Andrea!"

"BLYTHE DAMI NA NAMAN MA IINSECURE SAYO NYAN."

"Blythe di ka ba nahhirapan mag palit ng dp ang gaganda ng pics mo omg 😢❤️."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Andrea hinggil sa isyung pag-unfollowan nila sa Instagram ni Kathryn Bernardo kaugnay sa isyung nagkikita sila nang palihim ni Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel