Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Linggo ng madaling araw, Nobyembre 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:05 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 22 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Glan, Sarangani, na may lalim na 33 kilometro.

Naiulat ang Instrumental Intensity I sa Kiamba at Malungon, Sarangani, at sa City of General Santos.

National

Ex-VP Leni sa pagsalubong niya kay PBBM: ‘Isang pagbibigay-respeto sa posisyon’

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.