Tila nakisabay din sa umuusong hiwalayan sina Queen of All Media at Vice Governor Mark Leviste ayon sa tsika ni showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Sabado, Nobyembre 18, sinabi ni Cristy na hindi na umano kaya ni Kris magkaroon ng long distance relationship.

Ayon naman sa co-host niyang si Wendell Ramos: “Hay naku, alam mo naman si Kris. Sala sa init, sala sa lamig. Kapag ikaw nanligaw kay Kris, dapat nakahanda ka na.”

Sabi tuloy ni Cristy, mabuti pa raw ang bagyo, nababasa ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) kung saan direksiyon mananalasa.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Pero ang utak daw ni Kris Aquino, masisira ang lahat. ‘Di alam kung saan papunta,” aniya.

Matatandaang kamakailan lang ay napabalita ang muling “pagbabalikan” ng dalawa dahil umano sa pangungumbinsi ng anak ni Kris na si Bimby.

MAKI-BALITA: Kris Aquino at Mark Leviste, ‘nagkabalikan’

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang tugon, pahayag, o reaksiyon si Kris hinggil dito.

Kaya sabi ni Cristy, bigyan daw umano ito ng “benefit of the daw”.