Sa gitna ng mga umuugong na mga bali-balita tungkol sa hiwalayan ng mga showbiz couple, tila ang kina Kapuso star Yasser Marta at Kate Valdez pa lang ang kumpirmado.

Sa isang episode ng Marites University nitong Biyernes, Nobyembre 17, tsinika ni Rose Garcia ang nalaman niya tungkol sa hiwalayan ng dalawang Kapuso stars.

“Nagulat lang ako noong sinabi niya na break na pala sila ni Kate Valdez,” sabi ni Rose.

“Naging sila rin pala for almost a year. Kaya noong naging guest natin siya...base sa mga sagot niya sa atin e may something,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa ni Rose, 3 months ago pa raw nang mag-break sina Yasser at Kate. Noong panahon ding iyon, dumaan umano si Yasser sa depression dahil na-stroke daw ang ina nito. 

Kaya sa ngayon, magpo-focus daw muna si Yasser sa kaniyang personal goal.

“Kasi unang-una tatlo lang daw sila sa bahay. Siya, ‘yung kapatid niya, ‘yung mommy niya. At noong nangyari pa sa mommy niya, so siya rin ‘yung kumbaga tumitingin, nag-aalaga,” saad pa ni Rose.

Matatandaang noong Oktubre ay magkasama pa sina Yasser at Kate sa “The Boobay and Tekla Show”. Naibahagi pa nga ng aktor na nakasama niya umano si Kate sa hiking sa Mount Oro sa San Mateo, Rizal.

MAKI-BALITA: Yasser Marta, tuloy ang pag-akyat sa Mount Everest