Itsinika ni Ambet Nabus ang kuwento sa likod ng kumakalat na video clip ng mag-jowang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla habang sumasayaw.

Sa isang episode kasi ng Marites University nitong Biyernes, Nobyembre 17, napag-usapan ang tungkol sa nasabing video na kumalat kamakailan matapos ang isyu ng hiwalayan ng KathNiel dahil sa palihim umanong pagkikita ni Daniel at ng kaniyang kapuwa Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Ayon sa tsika ni Ambet, kuha umano ang nasabing video sa isang golf event dahil kapuwa sila endorser ng kung anomang produkto.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

“Nauna diyan si Daniel. Kasi si Daniel ‘di daw sumipot noong araw na ‘yan same day na nag-shoot ng Christmas Station ID for ABS-CBN. Doon nanggaling si Kathryn. So, nag-shoot siya. Pumunta siya diyan sa event,” kuwento ni Ambet.

Dagdag pa niya: “Nang makita daw agad ni Daniel at nagkita sila ni Kathryn nga…talagang binigyan daw ng cold treatment ni Kathryn si Daniel. Talagang hindi na ‘yung kagaya noong dati na yakap agad or beso agad.”

Pero dahil marami raw nakatutok na camera noong oras na ‘yun, bigla raw nilapitan ni Daniel si Kathryn para hilahin sa dance floor.

Bagama’t wala pang tugon, pahayag, o reaksiyon ang KathNiel, may makahulugang post naman si Daniel matapos pumutok ang nasabing balita.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, keber sa isyu nila ni Andrea Brillantes?

Naging usap-usapan din kamakailan ang pag-unfollow umano ni Kathryn kay Andrea sa Instagram.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?