Sa kabila ng mga isyung naglilitawan na kesyo hiwalay na raw sina Richard Gutierrez at misis na si Sarah Lahbati, isang makahulugang Instagram post ang flinex ng una patungkol sa self-improvement at pagmo-move forward.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Ipinakita kasi ng Kapamilya star ang kaniyang gym fit body at sinabi niyang hindi ma-aachieve ito kung hindi tama ang attitude sa pagkamit nito.

"Get up, change of perspective, move forward… And let the Most High take the wheel. Your attitude determines your altitude," aniya sa caption.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Napansin naman ng mga netizen ang wedding ring niya sa kaniyang kaliwang palasinsingang daliri.

Ibig sabihin daw, mukhang subtle way na sagot ito ni Chard sa mga intrigang pumapalibot patungkol sa marriage nila ni Sarah.

Sey ng mga netizen, ang mas kailangan daw nilang makita ay post ng aktor kasama si Sarah.

"We missed your posts with @sarahlahbati 😢😢😢."

"Sarah & Richard forever 😍😍😍 nainspire ako lagi sainyo."

"We dont need you shirtless we need sarah 😂😂😂"

"There is POWER in LOVE!! I KNOW MAGKAKABALIKAN KAYO NI SARAH"

"Wedding ring ❤️"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang aktor sa pagkaka-link naman sa kaniya ni Kapuso actress at "Abot Kamay na Pangarap" star Kazel Kinouchi matapos intrigahin ng mga netizen ang isang post kung saan makikitang magkasama raw sila sa isang Halloween party kamakailan.

MAKI-BALITA: Kazel Kinouchi at Richard Gutierrez iniintriga, inurirat sa socmed

MAKI-BALITA: Kazel Kinouchi sinagot katkaterang netizen tungkol kay Richard Gutierrez