Nagbigay ng reaksiyon si social media personality Valentine Rosales kay Michelle Dee sa ginanap na preliminary competition ng Miss Universe nitong Huwebes, Nobyembre 16.

Sa Facebook post ni Valentine sa nasabi ring araw, sinabi niya na wala umanong kadating-dating si Michelle.

“Syempre kailangan natin mag bigay support sa Philippines this Miss Universe pero sa totoo lang. Walang ka dating dating si Michelle Dee. Ewan ko parang sa lahat ng naging representative ng muph bored na bored ako sa itchura niya napaka plain,” saad ni Valentine. 

Dagdag pa niya: “Kahit anong i-ayos sakanya. Wala siyang WOW factor. Napaka layo niya kay Pia, Cat, Gazini, Rabiya, Beatrice. Sobrang boring…. Ang maganda ngayong sa batch nila yung South Africa, Dominican Republic, Mexico and India.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa comment section, nilinaw naman ni Valentine na nakasuporta naman umano siya kay Michelle sadyang iyon lang umano ang kaniyang opinyon para dito.

“Support ako sakanya! Syempre gusto ko siya manalo. Pero real talk lang ang plain and boring niya. Opinion ko to, kanya kanya tayo ng opinion,” sabi niya.

Pero sa kabila nito, tagumpay na nakapasok si Michelle sa Top 10 Silver Finalist ng Miss Universe Voice for Change video competition.