Isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasawi habang sumasailalim sa water search and rescue (WASAR) training sa Rizal, Palawan kamakailan.

Dead on arrival sa ospital si Apprentice Seaman (ASN) Saripon Diacudin, 27, taga-Balabac, Palawan at nakatalaga sa PCG District Palawan.

Naiulat na ang insidente ay naganap habang nilalangoy ng grupo ni Diacudin ang 100 metro pabalik sa kanilang starting point bilang bahagi ng pagsasanay nitong Nobyembre 15 ng hapon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Binanggit sa report ng Coast Guard, nawalan ng malay si Diacudin sa gitna ng training at agad itong napansin ng training staff kaya't binigyan ito ng cardiopulmonary resuscitation (CPR). Gayunman, nawalan lamang ito ng saysay.

Kaugnay nito, sinuspindi na ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan ang naturang pagsasanay habang pinag-aaralan pa ang safety procedures ng Coast Guard Special Operations Force.

"With this incident, rest assured that our existing training safety protocols will be reviewed and improved to ensure that every personnel preparing to become first responders can effectively serve the Filipino nation by upholding safety of lives at sea," dagdag pa ni Gavan.