Tampok si “Linlang” star Kaila Estrada sa latest vlog ni showbiz columnist Ogie Diaz nitong Huwebes, Nobyembre 16.

Isa sa mga naitanong ni Ogie kay Kaila ay kung handa na ba itong makatrabaho ang mga magulang nito na sina Janice De Belen at John Estrada lalo na ngayong nakakabuo na ito ng sariling pangalan sa showbiz industry.

Matatandaan na kamakailan lang ay umani siya ng papuri mula sa mga tagasubaybay ng kanilang TV series na “Linlang”.  Sa katunayan, pati ang ina niyang si Janice ay humanga sa kaniya.

MAKI-BALITA: Janice De Belen proud mudra kay Kaila Estrada; anak, nag-react

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Parang sa ngayon ‘di ko po siya ma-imagine. Siguro kasi nahihiya akong magkamali sa harap nila. I think that’s part of it,” saad ni Kaila.

Dagdag pa niya: “Saka siyempre it’s a different environment, ‘di ba. Magiging work environment ‘yun. So, hindi ako sanay na kasama sila sa ganoong environment. Pero someday sana maka-work ko sila.”

Gusto raw kasi ni Kaila na mag-ipon muna ng sapat na kumpiyansa para sa sarili bago makatrabaho ang kaniyang mga magulang.