Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Cagayan nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:17 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 9 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, na may lalim na 26 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

‘Kalaban at kriminal?’ Benhur Abalos, nag-react sa inedit niyang billboard

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.