Walang nanalo sa mahigit ₱140.9 milyon sa isinagawang draw ng Super Lotto 6/49 nitong Nobyembre 16 ng gabi.

Ipinahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabigo ang mga mananaya na mahulaan ang winning combination na 12-49-16-45-25-03 na may jackpot na ₱140,932,693.80.

 

Inaasahang madagdagan pa ang premyo sa susunod sa Super Lotto 6/49 draw nito.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

 

Idinagdag pa ng PCSO, binobola ang Super Lotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Matatandaang isang taga-Cavite ang nanalo ng mahigit sa ₱147 milyong jackpot sa naganap na draw ng Super Lotto 6/49 nitong Oktubre 15.

Nahulaan ng solo winner ang 6 digits winning combination na 47-35-02-13-38-17, ayon pa sa PCSO.