Usap-usapan ng mga marites ang pag-unfollow raw ni Kathryn Bernardo sa kapwa Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

Napaulat ng entertainment site na "Fashion Pulis" ang tungkol dito kaya agad na nalaman ng mga netizen at dinouble check ang kani-kanilang IG accounts.

Kapag tiningnan ang following list ni Kathryn ay hindi makikita ang account ni Andrea na "Blythe."

Photo courtesy: Kathryn Bernardo (IG)

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Subalit kung bibisitahin naman din ang Instagram account ni Blythe ay naka-follow naman ito kay Kathryn.

Photo courtesy: Screenshot from Andrea Brillantes (IG)

Hindi lang tiyak kung matagal na bang hindi fina-follow ni Kathryn si Andrea at ngayon lang napansin, o hindi talaga siya naka-follow rito at all.

Matatandaang kamakailan lamang ay naibalita ni Ogie Diaz ang sitsit sa kaniya ng isang source na umano'y palihim na nagkikita sina Andrea at ang longtime jowa ni Kath na si Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Kinuyog pa ng fans ng dalawang kampo si Ogie dahil fake news peddler daw siya.

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

Bagay na pinalagan naman ni Ogie at sinabing ibinalita lang naman niya ang nasagap niyang tsika, at kahit siya mismo, umaasam daw na hindi ito totoo at kumpirmado.

MAKI-BALITA: ‘Pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?’ Ogie palag sa ‘fake news peddler’

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa KathNiel fans: ‘Wag kayong magalit’

Sa kabila ng mga ingay na ito ay wala pang pahayag ang kampo ng KathNiel at ni Andrea tungkol sa isyu, bagama't tila may ilang cryptic posts daw si DJ tungkol dito.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, keber sa isyu nila ni Andrea Brillantes?

So ang tanong ngayon, may something nga bang naganap sa pagitan ng KathNiel at ni Blythe?