Tila inasar ni Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista ang jowa niyang basketball player na si Ricci Rivero sa kaniyang Instagram story nitong Martes, Nobyembre 14.

Itinag kasi ni Leren si Ricci sa ibinahagi niyang larawan ng tambak na labada na mala-Christmas tree ang hitsura at may parol pang nakalagay.

“Feeling the holiday spirit already…” saad sa tekstong nasa larawan.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ni-reshare naman ni Ricci ang nasabing story sa kaniyang Instagram account.

“Ohh buo na,” sabi ng basketball player.

Hindi ito ang unang beses na biniro ni Leren ang jowa tungkol sa labada. Kamakailan lang ay ni-reshare niya ang video na ibinahagi ng kapatid ni Ricci kung saan makikitang tila nagkukusot ng damit ang kaniyang jowa habang nasa court.

MAKI-BALITA: Leren, handang ipaglaba si Ricci

Matatandaang pinutakti ng kantiyaw si Ricci matapos i-reveal ni Andrea sa isang panayam na nagkaroon umano siya ng dating jowa na isang taong hindi nagpa-laundry.

Bagama’t walang pangalang binanggit ang aktres, sa hula ng mga netizen ay si Ricci ang tinutukoy nito.

MAKI-BALITA: Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens

Pumalag naman si Ricci kamakailan at sinabing paninira lang umano ang tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA:  Isyu tungkol sa ‘laundry’ paninira lang, palag ni Ricci kay Andrea

Pero tila naging blessing in disguise ang pang-aasar na ito sa kaniya ng mga tao dahil may lumitaw na tsikang kukunin umano siyang endorser ng isang sabong panlaba.

MAKI-BALITA: Ricci, kukunin daw endorser ng sabong panlaba