Nag-trending sa X ang "Toni" at "ABS-CBN" nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 13.

Kung titingnan ang mga X post tungkol dito, ang dahilan pala ay sa tsikang diumano'y magbabalik si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa kaniyang dating home network.

Photo courtesy: X

Ang siste raw, muling magbabalik si Toni at magiging parte ng isang sikat na show sa Kapamilya Network.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Hindi nilinaw sa mga kumakalat na tsika kung anong show ito, subalit ayon sa mga mababasang haka-haka ng mga netizen, mukhang sa muling pagbubukas ito ng reality show na "Pinoy Big Brother" na isa siya sa original hosts.

Isang Kapamilya fan page pa ang nagpakalat nito at ginawan ng pubmat.

Mababasa sa pubmat, "TONI GONZAGA MAGBABALIK KAPAMILYA AT MAPAPANOOD DIUMANO SA ISANG SIKAT NA PALABAS NG ABS-CBN?"

Sa caption naman, "Toni Gonzaga, magbabalik-loob diumano sa ABS-CBN? Kung true ang chika, anong masasabi mo Kapamilya?"

Sa comment section ay mababasa naman ang iba't ibang reaksiyon at komento rito ng mga netizen.

"Good job.. keep it up."

"Ewwww...."

"Ganun lang naman talaga...."

"Happy lang tayo"

"Huwag na!!! Hahahaha."

Sa X naman, narito ang ilan sa mga kuda ng netizens:

"WTF. IS THIS TRUE???KAHIT TSISMIS PA LANG TO, sabi nga ni JK 'DI BA, DI BA? NAKAKA....!' Pinagmukha na nga nyang tanga ang ABS-CBN, iniwan pa sa ere'...tapos ito?? Wtf . Intention b ito to make her trend? Sige trending for d wrong reasons uli. Toni as balik Kapamilya, pls NO!!!"

"Balik ka na please 😔 Hindi naman kami galit, nasaktan lang nung bigla n'yong iniwan na para bang nag-aaklas kayo laban sa ABS-CBN. Iba talaga ang PBB, pag nanjan amg nag-iisang Toni Gonzaga."

"Ngayong magbabalik si Toni G sa ABS-CBN, tingnan nga natin kung pakikinggan pa ng ABS ang 'solid' kapamilya."

"Kapag iyang si Toni Hunghangzaga pinayagang makabalik ng Ignacia, it only means na talagang pera-pera na lang ang institusyong iyan. Na ni katiting na dignidad — wala na. KLK."

"Is it true na magbabalik sa ABS-CBN si Toni Gonzaga? Wala naman siya narinig na masamang salita sa mga bosses ng Kapamilya Network. She resigned from PBB and left."

"Dear ABS-CBN, Baka nakakalimot kayo kung paano kayo biglang iniwan sa ere ni La Traidora?! Biglang pinasa ang main hosting kay ate Biancs! Nakakahiya naman sa pinagdaanan ni Bianca nung time na yun! She did it once, she can do it again! Wag ng pabalikin si Toni!!!"

Sa kasalukuyan ay contract artist si Toni ng ALLTV network ng mga Villar.

Matatandaang nag-resign sa PBB si Toni sa kasagsagan ng proclamation rally ng UniTeam noon, matapos umani ng katakot-takot na batikos mula sa mga netizen, dahil sa pagho-host niya nito.

MAKI-BALITA: Mariel kay Toni: ‘Welcome to the outside world!’

Sa kabila nito, napaulat pa na tanggap pa naman daw si Toni sa ABS-CBN at puwede pa itong makabalik kung nanaisin nito.

MAKI-BALITA: Toni G, tanggap pa rin sa ABS-CBN; puwedeng bumalik kahit kailan

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Toni Gonzaga at ABS-CBN tungkol sa kumakalat na intrigang ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.