Napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa latest episode ng "Cristy Ferminute" ang posibilidad na kuning endorser ng isang laundry detergent ang kontrobersiyal na celebrity basketball player na si Ricci Rivero.

Nabubully nga raw si Ricci kapag naglalaro ito ng basketball, at ang ginagawang biro sa kaniya ay maglaba na lang siya, bagay na pinagtatawanan na lang daw umano ng manlalaro.

Kaya napahirit tuloy ang jowa niyang si Leren Mae Bautista na handa siyang ipaglaba ito.

MAKI-BALITA: Leren, handang ipaglaba si Ricci

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Nabalitaan daw ni Cristy ang tsikang may isang advertising agency ng sabong panlaba ang bet kuning endorser si Ricci.

"Naku ewan ko kung totoo o hindi ito, mayroon daw isang ahensiya na interesado para kuning endorser o brand ambassador ng isang detergent product," anang Cristy.

"Ang ganda n'yan kapag nagkatuluyan ‘yan. Biruin mo ‘yong negative turn to positive, hindi ba?" sundot naman ni Romel Chika.

“Tama ka diyan. Iyon ang blessing in disguise na tinatawag,” sundot naman ni Cristy.

Matatandaang si Ricci ang sapantaha ng mga netizen sa naging rebelasyon ng ex-girlfriend nitong si Andrea Brillantes na may dati siyang karelasyong hindi nagpapalabada ng isang taon.

MAKIBALITA: Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens

Pumalag naman si Ricci kamakailan at sinabing paninira lang umano ang tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Isyu tungkol sa ‘laundry’ paninira lang, palag ni Ricci kay Andrea