Hinamon ni social media personality Rendon Labador ang magjowang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na mag-post sa gitna ng mga balitang kumakalat na hiwalay na umano ang dalawa.

Matatandaan kasing itsinika ni showbiz columnist Ogie Diaz ang kaniyang nalaman mula sa kaniyang source na palihim umanong nagkikita si Daniel at ang kapuwa Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita

Sa Facebook story ni Rendon story nitong Lunes, Nobyembre 13, sinabi niyang napapaisip umano siya kung totoo ba talagang wala na ang KathNiel.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Pero para sa publiko eto ang naisip ko, di ba nagulat tayong lahat sa pasabog ni Ogie Diaz sa KathNiel nitong mga nakaraan? Ang masasabi ko, kung talaga sila KathNiel pa rin, bakit hindi mag-post na silang dalawa pa rin para hindi nagwawala ang mga fans?” saad ni Rendon.

Dagdag pa niya: “Napapaisip tuloy ako. Wala na bang KathNiel? Andriel na ba ang bago?”

Bagama’t wala pang opisyal na tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga sangkot na artista hinggil dito, matatandaang nagbahagi si Daniel ng makahulugang larawan sa kaniyang Instagram story kamakailan.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, keber sa isyu nila ni Andrea Brillantes?

Bukod pa rito, proud niya ring flinex si Kathryn na naitampok sa isang lifestyle magazine.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa KathNiel fans: ‘Wag kayong magalit’