Humingi na ng paumanhin si showbiz columnist Ogie Diaz sa mga tao at artistang na-offend umano ng kaniyang mga balita.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Nobyembre 12, pinag-usapan nina Ogie at ng kaniyang mga co-host na sina Ate Mrena at Mama Loi ang mga taong nasaktan sa mga ibinalita nila kamakailan.

“Kung sa palagay ninyo kami ay naka-offend e humihingi po kami ng sorry. Kasi, Diyos ko, kung si Billy Crawford nga pumunta pang ‘It’s Showtime’ para mag-sorry,” pahayag ni Ogie.

MAKI-BALITA: Vice Ganda at Billy, nagkaayos na: ‘Okay na okay na kami!’

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sino daw ba naman kasi sila para magmalaki; para hindi pakinggan ang mga tao; ang hinaing ng mga ito laban sa kanila? 

“Sabi ko nga, we really cannot please everybody,” aniya.

Kaya sabi niya: “Kung na-offend man ‘yung iba sa aming mga binabalita rito, sa pangkalahatan po, ha–in general–kami po ay humihingi ng sorry. Sa mga artista po, na feeling nila na-offend namin sila, sorry po.” 

Matatandaang pinutakti si Ogie ng mga netizen nang itsika niya sa kaniyang vlog ang tungkol umano sa palihim na pagkikita nina Daniel at Andrea Brillantes. 

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

Bukod pa rito, ibinalita rin niya na matatanggal umano si Baron Geisler sa teleseryeng “Senior High” dahil sa behavior issue.

MAKI-BALITA: Baron Geisler, tatanggalin na sa ‘Senior High’?

Pero ilang araw matapos kumalat ang isyu, pinabulaanan ni Baron at ng kaniyang talent manager ang tungkol dito.

MAKI-BALITA: Baron, nagsalita na sa isyung natatakot sa kaniya ang mga ‘Senior High’ co-star

MAKI-BALITA: Arnold Vegafria nilinaw ‘behavior issue’ na muling ipinupukol kay Baron Geisler