Nagpahayag ng pagkadismaya si showbiz columnist Cristy Fermin kay Kapuso actor Xian Lim sa isang episode ng Cristy Ferminute nitong Lunes, Nobyembre 13.

Matatandaan kasi na umugong kamakailan ang bali-balitang hiwalay na umano si Xian sa jowa nitong si Kim Chiu.

MAKI-BALITA: Hiwalayang Kim, Xian, lalong umugong dahil kay Vice Ganda

Ilang araw matapos ito, sumagot si Xian sa pamamagitan ng isang Instagram post.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

MAKI-BALITA: Xian Lim pumalag sa mga tsika, isyung umaaligid tungkol sa kaniya

Pero tila hindi nagustuhan ni Cristy ang naging pagsagot ni Kapuso actor Xian Lim tungkol sa nasabing isyu.

“Hindi ganoon ang pagsagot sa isang tanong. Inquisitive ang mga tao, siyempre gusto nilang malaman mula sa horse’s mouth, ‘ika nga sa mga taong sangkot. Tinanong ka lang: ‘kayo pa rin ba ni Kim Chiu? Totoo ba ‘yung balita na hindi na kayo ngayon?’ Magkuwento ka ba, tiwatiwayway. Kilometriko. Hindi mo naman sinagot ‘yung tanong kung kayo pa o hindi na,” saad ni Cristy.

Dagdag pa niya: “Makuda itong lalaking ‘to. Ewan ko ba’t ganyan siya, ‘di ba.” 

Sa kasalukuyan, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Xian tungkol sa sinabing ito ni Cristy.