Nagdulot ng aliw ang isang viral na litrato na nagpapakita ng paskil sa isang Ferris Wheel sa idinaos na "University Week" sa isang pamantasan sa Negros Occidental, na ipinost ng isang nagngangalang "Queen Micailah C. Florida" dahil sa mababasa rito.

Nakalagay kasi na "No single riders" daw o bawal ang mag-isa lamang na sasakay sa nabanggit na amusement ride.

“budlay ka requirement ba, dapat by pair," mababasa sa caption ng post, na nangangahulugang ang requirement daw ng Ferris Wheel ay by pair.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

So ibig sabihin, ang mga single gentlemen o ladies ay hindi raw puwedeng sumakay, maliban na lamang kung may kasama.

Napahugot naman ang mga netizen lalo na't kamakailan lamang ay ipinagdiwang ang "Happy Singles' Day."

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ay grabe naman sa mga single hahaha."

"Bawal walang jowa o ka-date hahaha."

"happy singles' day pa naman noong nakaraan lol."

"Grabe ka sakit sa amon nga mga single bah!"

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 1.4k reactions at 2.6k shares ang nabanggit na viral FB post.