
(DMW/FB)
39 pa na OFWs mula Israel, dumating sa bansa
Dumating na sa Pilipinas ang 39 pa na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel.
Dakong 3:15 ng hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 ang Etihad Airways flight EY424, sakay ang mga nasabing OFW.
Ito na ang ika-pitong grupo ng mga manggagawang Pinoy sa Israel na umuwi sa bansa, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ang mga ito ay binubuo ng 29 caregivers at 10 hotel workers,
Sa kabuuan, 224 na ang umuwing OFW sa bansa, bukod pa ang walong bata, dahil sa pangambang madamay sa giyera sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.
Matatandaang pinagana ng gobyerno ang repatriation program nito upang makauwi ang mga Pinoy worker sa Israel sa gitna ng digmaan sa lugar.