Kinumpirma ni Kapuso star Heart Evangelista na tuluyan na silang nagkaayos ng kapuwa Kapuso star at GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute nitong Sabado, Nobyembre 11, nag-uusap na umano sina Marian at Heart pero mas pinili umano nilang hindi ilabas sa publiko ang tungkol sa bagay na ito.

"I don't want it to be anything that's for publicity because something like that should be from your heart. Marian and I, we've always liked each other,” paliwanag ni Heart.

Natuwa naman ang mga netizen na nagkaayos na ang dalawang reyna ng GMA Network.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa ni Heart: “Real queens support each other. It's a testament that it's really the people around us that makes things bad."

Nang tanungin naman siya sa posibilidad ng kanilang pagsasama sa proyekto, tila hindi pa sigurado si Heart hinggil dito.

“I don't know kasi siya kasi, busy din siya. But I think for me what's important is, in the real world, we're okay. And that for me is a true queen,” saad niya.

Bago pa man ito, nauna nang naging usap-usapan ng mga netizen ang pagbabati nilang dalawa matapos nilang i-follow ang isa’t isa sa Instagram.

MAKI-BALITA: Marian Rivera, Heart Evangelista, nagkabati na nga ba?

Matatandaang nagsimula ang ‘di pagkakaunawaan sa pagitan nina Marian at Heart noong nagkasama sila sa pelikulang “Temptation Island” na napanood noong 2011.