Tila lumaking palaban ang award-winning actress na si Elizabeth Oropesa batay sa kuwento ng kaniyang kabataan.

Sa vlog kasi ng kapuwa premyadong aktres na si Snooky Serna na mapapanood sa YouTube, naitanong niya kay Elizabeth kung anong klaseng estudyante ba ito noon.

“Ako po e tourist. Kasi palipat ako nang lipat ng school. Noong araw kasi, palaging ‘pinapatawag ng principal nanay ko,” saad ni Elizabeth.

“Pero hindi dahil sa bad girl?” paniniyak ni Snooky.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Bad. Bad ako. Mahilig akong makipag-away,” sagot ni Elizabeth.

Dagdag pa niya: “I was bad because I always getting into a fight…At physical. Ang laki ko, e.”

Sa katunayan, nanaksak pa nga umano siya noon ng ballpen.

“‘Yung unang first kiss ko, inabangan ako sa ilalim ng hagdan sa biology class. Pag-ikot kong ganyan, sinasaksak ko ng ballpen,” kuwento ng aktres.

Pero sa kabila ng pagiging palaaway ni Elizabeth, maayos naman umano ang resulta ng kaniyang grades noong nag-aaral pa.