Usap-usapan nina Ambet Nabus, Jun Nardo, at Rose Garcia si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards sa isang episode ng Marites University noong Biyernes, Nobyembre 10.

Sa Instagram post daw kasi ng showbiz columnist na si Lolit Solis kamakailan, kumakalat ang tsismis na may isang media company umano na gustong sumulot kay Alden.

“Base naman sa pagkakabalita ko, mukhang hindi naman siya matatawag na production kundi network. May gano’n. Parang gusto nilang makuha si Alden,” sabi ni Rose.

Pero sabi niya: “Hindi ko na ime-mention kung anong network ‘to kasi marami naman. Of course, may ABS-CBN, may TV5.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang kaso, sabi ni Ambet, wala na naman umanong ABS-CBN. Pero hindi maitatangging may mga lumilipat pa ring artista mula sa kabila papunta sa iba pang network.

Sey tuloy ni Ambet: “Baka NET25 ‘yan.”

“Uy, ‘di mo masabi, ‘di ba.” saad naman ni Rose.

Bagama’t nakakatukso umano ang mga ganitong klaseng offer, mahalaga pa rin umanong itanong sa huli kung “may staying power ba”; “will it lasting ba” lalo na’t tumagal na rin naman si Alden sa GMA Network.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, tugon o reaksiyon ang panig ni Alden hinggil sa nasabing isyu.