
(Manila Bulletin File Photo)
African swine fever cases sa Romblon, kontrolado na!
Kontrolado na ang mga kaso ng African swine fever (ASF) sa Odiongan, Romblon, ayon sa pahayag ng Municipal Agriculture Office nitong Biyernes.
Paliwanag ni municipal agriculturist Rexfort Famisaran, hihigpitan pa rin nila ang kanilang pagbabantay laban sa sakit upang hindi na lumala ang sitwasyon.
Aniya, apat na meat inspection checkpoint ang inilatag nila sa mga lugar papasok sa kanilang bayan, habang ang isa pa ay nasa Port of Odiongan.
Layunin aniya ng checkpoint na mabantayan ang mga ipinapasok na buhay na baboy sa kanilang lugar, gayundin ang mga sariwang karne nito at processed meat.
Kukumpiskahin din aniya sa mga checkpoint ang pork products, katulad ng ham at longganisa at sisirain ang mga ito dahil sa posibilidad na nahawaan ng ASF.
Nasa 4,000 baboy aniya ang inaalagaan sa naturang bayan at wala kahit isa sa mga ito ang nakitaan ng sintomas ng sakit.
PNA