Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Biyernes na palalakasin at palalawakin pa ang diplomatic relations ng Pilipinas at Timor-Leste.

“I hope that these exchanges – this visit of yours will be the beginning of more exchanges between our two countries,” pahayag ni Marcos kay Timor-Leste President José Ramos-Horta sa naganap na bilateral meeting sa Malacañang nitong Biyernes.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Marcos dahil sa pag-iimbita sa kanya ni Ramos-Horta na bumisita sa Timor-Leste.

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

“We would certainly want to do that, as I said, to continue to expand the relations between Timor-Leste and the Philippines,” anang punong ehekutibo.

“So, I am very optimistic that your visit here today will be a very important start to…developing that relationship and deepening that relationship between our two countries,” pagbibigay-diin ni Marcos.

Binanggit din ni Marcos na sumusuporta pa rin ang Philippine government sa Timor-Leste, lalo na kung may kinalaman ito sa international relations at iba pang usapin upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

PNA