#StarMagicPabaya

Ito ang himutok ng KathNiel fans sa X matapos ibalita ni showbiz columnist Ogie Diaz ang tungkol kina Kapamilya star Daniel Padilla at Andrea Brillantes.

Sa isang episode kasi ng “Showbiz Updates”, tsinika ni Ogie ang kaniyang nalaman mula umano sa isang impormante na palihim daw na nagkikita sina Daniel at Andrea.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Bagama’t nillinaw naman ni Ogie na hindi pa kumpirmado ang balitang ito, kinuyog siya ng KathNiel fans sa X at tinawag pang fake news peddler.

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

Kasabay nito, pinuntirya rin ng fans ang talent agency ng ABS-CBN na Star Magic. Tila kasi kimi ito at hindi man lang nagsasalita para ipagtanggol ang kanilang mga sangkot na artista sa nasabing isyu.

Narito ang ilang sey ng fans:

“kapag sa mga ‘di fave, hayaan na lang mag die down ang issue, silent treatment, and feeling unbothered na lang lagi ano? diba, sagot 

@starmagicphils #StarMagicPabaya”

“Unbothered pa rin sila kasi hindi nila nababasa LAHAT ng mga comments ang alam lang nila na ginagawan sila ng issues. Pero yung nanganganak pa ng MALALA pa yung issue, hindi nila alam. Kung mabasa lang nila, sila mismo mandidiri at maloloka#StarMagicPabaya”

“bugbog na yung dalawa sa mga issues at false accusations na binabato sa kanila pero wala kayong ginagawa to defend and protect your artists man lang?? @starmagicphils #StarMagicPabaya”

“they’re one of star magic’s top artists, even treated as cash cows and if star magic is able to treat starlets better, they can do the same to the three involved. #StarMagicPabaya”

“If di nga si DJ or kung sino man ang nadamay sa BI niyo, sana ipagtanggol niyo man sila dahil sa mga accusation ng madla, @mor1019jhaiho JHAI HO KUPAL OGIE DIAZ FAKENEWS PEDDLER #StarMagicPabaya”

“andami ng nadadamay sa katangahan ni ogie, pero wala pading ginagawa ang huwarang management @starmagicphils @direklauren hayss wala talaga kayong kwenta khit kailan. pag kathniel ang na hotseat, pikit mata sila eh.🤨OGIE DIAZ FAKENEWS PEDDLER #StarMagicPabaya”

Via X/screengrab

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring pahayag, reaksiyon, o tugon ang Star Magic hinggil sa isyung ito.