Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Quezon nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:20 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 33 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burdeos, Quezon, na may lalim na 2 kilometro.

Naiulat ang Intensity II sa Buerdos, Quezon.

Eleksyon

Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - Polillo, Quezon 

Intensity I - Infanta, Quezon

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.