Nakakaloka ang tsika ng impormante ni Ogie Diaz patungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes na napaulat niya sa "Ogie Diaz Showbiz Update" na umere nitong Miyerkules, Nobyembre 8.

Kamakailan kasi ay kumakalat ang tsikang nagkahiwalay na raw sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, at ang itinuturong dahilan daw ay si Andrea Brillantes.

"Talagang pinag-uusapan sa social media 'yon ngang diumano ang hiwalayan ni Daniel at Kathryn na ang dahilan daw ay si..." pabitin na sabi ni Ogie.

"Sino?" tanong ng co-host na si Mama Loi.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

"Eh siyempre hindi naman to confirmed ha. Kaya dapat marinig din natin ang panig nila. Kasi nili-link si Daniel kay Andrea Brillantes," anang Ogie.

Kahit sila raw ay kinukulit na raw ng mga netizen kung totoo ba ang mga kumakalat na sitsit na break na nga ang KathNiel.

Anang Ogie, ang tsika nga sa kaniya ay nagseselos daw si Kathryn dahil nagkikita nang pasikreto sina Daniel at Andrea.

Naloka naman sa balitang ito si Mama Loi. Anang Ogie, palagay niya ay hindi naman magagawang palihim na nakikipagkita ang aktor kay Andrea dahil "lumang tao" si DJ at may pagka-konserbatibo ito, at mahal na mahal umano si Kathryn.

"Basta, abangan na lang natin," sey pa raw ng source ni Ogie.

Kilala raw ni Ogie si Daniel na konserbatibo, at pagdating naman daw kay Kathryn ay sobrang maalaga ito.

At kung titingnan daw lately, kapansin-pansin daw na medyo sexy na ang paraan ng pagdadamit ngayon ni Kath.

Recently nga, ipinost pa ni Kathryn sa kaniyang Instagram ang kaniyang mga larawan kung saan nakasuot lamang siya ng two piece.

"Palagay mo gusto 'yan ni Daniel?" untag ni Ogie kay Mama Loi. "Pag si Daniel nakita 'yan talagang kukumutan si Kathryn. Ganoon ka-conservative itong si Daniel."

"Paano 'yon teh, nagrerebelde si Kathryn?" sundot na tanong ni Tita Jegs na isa rin sa co-hosts.

Sey naman ni Ogie, mahirap magkumpirma at magsabi ng oo dahil kailangang manggaling sa mga nasasangkot ang pahayag.

Matatandaang napaulat ding hindi umano bet makatrabaho ni Kathryn si Andrea na nagmula rin sa ispluk ni Ogie.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, di bet makatrabaho si Andrea Brillantes?

Samantala, habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Kathryn, Daniel, at Andrea tungkol sa pasabog na ito ng source ni Ogie. Bukas ang Balita sa kanilang panig.