Lumago sa 5.9% ang ekonomiya ng Pilipinas sa third quarter ng taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes, Nobyembre 9.

Sa ulat ng PSA, naging 5.9% ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa ikatlong quarter ng 2023, mas mataas kung ikukumpara sa 4.3% na datos noong ikalawang quarter ng taon.

“The main contributors to the third quarter 2023 growth were: Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles, 5.0 percent; Financial and insurance activities, 9.5 percent; and Construction, 14.0 percent,” saad ng PSA.

Samantala, inihayag din ng PSA na mas mabagal pa rin ang naturang huling datos kumpara sa 7.7% GDP sa third  quarter noong 2022.

National

De Lima, tinawag na ‘drama’ sinabi ni VP Sara na baka magaya si FPRRD kay Ninoy Aquino

Inasahan umano ng mga analyst ang 4.9% growth para third-quarter GDP ngayong 2023.