Nakiisa ang mga opisyal at empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isinagawang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2023 sa Central Office nito sa Quezon City nitong Huwebes, Nobyembre 9.

Ang "Duck, Cover and Hold" ay ginamit ng mga ito sa kanila-kanilang work stations na sinundan ng safety evacuation procedures.

Pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagsasagawa ng earthquake drill na bahagi ng contingency plan ng gobyerno sa pagpapalawak ng kahandaan sa lahat ng public institutions at government agency dahil madalas tamaan ng lindol ang bansa.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Batanes, Signal No. 4 pa rin

Nauna nang ipinaliwanag ng OCD na ang 4th quarter NSED ay alinsunod sa World Tsunami Awareness Day (WTAD) na ginugunita tuwing Nobyembre 5.